deepundergroundpoetry.com
Kalabasa ka!
Kakaibang isipin —
na ako
at ang isang kalabasa —
ay maaaring magkatulad.
Kung paano
kami’y kapaki-pakinabang
at walang halaga —
nang sabay.
Ang maalot na —
amoy ng mga langaw
na kumakain sa aking
kahel na laman;
Ay abot sa loob
ng bahay.
Nagrereklamo si
Tatay;
Nandidiri
si Bunso.
Nabigo nanaman si
Nanay.
Nabili raw niya
ito
ng ₱55
per kilo
Ang ganda naman
sana,
Pwedeng ipang okoy
O pang Ginataang gulay.
Sabi niya,
sabay patong ang
kaniyang kamay —
Sa kanyang masakit
na balakang.
Sayang yung pera!
Alam n’yo namang —
walang kakain!
Singit ni Tay,
nakikita kong kumukusot ang
kanyang noo
sabay singhal.
Walang dagdag si bunso
sa usapan.
Ako’y mananahimik nalang
Habang nabubulok —
Sa sulok
Ng aking kalabasa.
na ako
at ang isang kalabasa —
ay maaaring magkatulad.
Kung paano
kami’y kapaki-pakinabang
at walang halaga —
nang sabay.
Ang maalot na —
amoy ng mga langaw
na kumakain sa aking
kahel na laman;
Ay abot sa loob
ng bahay.
Nagrereklamo si
Tatay;
Nandidiri
si Bunso.
Nabigo nanaman si
Nanay.
Nabili raw niya
ito
ng ₱55
per kilo
Ang ganda naman
sana,
Pwedeng ipang okoy
O pang Ginataang gulay.
Sabi niya,
sabay patong ang
kaniyang kamay —
Sa kanyang masakit
na balakang.
Sayang yung pera!
Alam n’yo namang —
walang kakain!
Singit ni Tay,
nakikita kong kumukusot ang
kanyang noo
sabay singhal.
Walang dagdag si bunso
sa usapan.
Ako’y mananahimik nalang
Habang nabubulok —
Sa sulok
Ng aking kalabasa.
All writing remains the property of the author. Don't use it for any purpose without their permission.
likes 0
reading list entries 0
comments 0
reads 282
Commenting Preference:
The author is looking for friendly feedback.