deepundergroundpoetry.com

Alikabok

Minsan dumadaloy ang liwanag sa mga lumang kagamitang tambak sa ilalim ng maraming nakaraang taon. Dito maaninag ang mga kulay na namutla na sa makapal na balat ng alikabok. Pero walang liwanag sa ngayon, alas-nueve ng gabi.

Dala ng habagat ang tugtuging sasapit ang pista ng San Roque sa susunod na mga araw, ang boses mula sa mikropono, hudyat ng eleksyon ng bagong hermano at hermana. Patuloy ang pagka-tigulang ng lupa at ng pananampalataya.

Sa gayon, hindi ako nagbakasakaling ilapat ang mga daliri sa pulsong ubos sa kaliwang hinlalaki. Binilang ko ang tibok ng mga taon sa aking buhay, simula sa buo, makisig, kusog na daloy ng dugo na unti-unting humina, tila papalayo. At tumigil. Singkwenta'y tres. Limang taon sa kinabukasan.

Inulit ko ang pagpupulso, siniguradong pantay ang paghinga. Singkwenta'y sais.

Karamay ko ang araw sa pagsikat, paggising sa umaga. Sayang ang oras, ang panahon, napaka-ikli ng buhay para itulog lamang. Maski ang butakal na may sakit na kanser ay maagang gumising. Mahirap nang mabaon sa alikabok.

Written by absinthe (Fats)
Published
All writing remains the property of the author. Don't use it for any purpose without their permission.
likes 4 reading list entries 1
comments 7 reads 1058
Commenting Preference: 
The author is looking for friendly feedback.

Latest Forum Discussions
SPEAKEASY
Today 1:33am by crimsin
SPEAKEASY
Today 1:24am by crimsin
SPEAKEASY
Today 1:21am by Grace
SPEAKEASY
Yesterday 11:09pm by LunaGreyhawk
COMPETITIONS
Yesterday 9:52pm by NANCY_RDZ_STORIES
COMPETITIONS
Yesterday 9:45pm by Indie