deepundergroundpoetry.com

Image for the poem Nadarang

Nadarang

Darang - exposed to the heat (of the fire)


Sa iyong ngiti lang naman
Ngunit nahulog ang loob
Di naman daw perpekto ang ngipin mo,
Pero tinamaan ako sa ngiti mo.

May kinang sa iyong mga mata
Sa pagbigkas ng wika
Ako'y nabighani
Nakakapanghina.
Ngunit di na
Aasahan pa na makita mo ako.

Nananatili ka sa puwesto mo sa aking likuran,
At sa buong isang oras, akin na namang mararamdamam,
Na ikaw ay nandiyan
At aking iniisip
Ano kaya ang iyong makikita kung sakaling sisilip.

At di pa rin makatingin sa kung nasaan ka
Dahil baka ito ang araw na ako'y mahuhuli mo na -
Sa aking damdaming di kayang aminin.

Mata'y magtatagpo,
Tayo'y sabay na titingin palayo.
At sa gilid ng mga mata'y
Magmamasid sa isa't-isa.
Ito ang di ko mapagtanto -
Mayroon bang katotohanan?
O delusyon ba ito?

Ikaw -
Ang mga numero at mga linya -
Ang matatag na pundasyon.
Ikaw ang konkreto.
At ako -
Ang mga abstraktong ideya at berso,
Ako ang mga salitang
Posibleng mauwi lamang sa abo.

Dahil ako ang papel na napupuno ng tula dahil sa'yo.
Patuloy na nais lumapit
Masunog man sa apoy mo.

Ilang tula pa ba ang isusulat ko tungkol sa iyo?


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


It's just with your smile
But I fell
They tell me your teeth isn't perfect,
But I've been hit hard by your smile.

There is a spark in your eyes
In the way you say words
I'm enraptured
It makes me weak.
But I won't
Hope anymore that you'll see me.

You stay in your place behind me,
And for the whole hour, I would again feel,
That you are there
And I'm thinking,
What would you see if ever you glimpsed?

And I still can't look
Because this might be the day that you finally catch me -
With my feelings that I can't go admitting.

Eyes will meet,
At the same time,
We will watch each other.
This is what I cannot understand -
Is there something real?
Or is this a delusion?

You -
Are the numbers and the lines -
The strong foundation.
You are concrete.
And I -
Am the abstract ideas and verses,
I am the words
That may only turn to ash.

Because I am the paper that is filled with poems because of you.
Still wanting to move closer
Though I might get burned by your fire.

How many more poems will I write about you?
Written by thepositivelydark
Published
Author's Note
Part of NaPoWriMo 2018. About that guy again.

The song that stoked the flame of this foolishness, Nadarang by Shanti Dope: https://m.youtube.com/watch?v=59UY2ZS4cko
All writing remains the property of the author. Don't use it for any purpose without their permission.
likes 5 reading list entries 2
comments 2 reads 1085
Commenting Preference: 
The author encourages honest critique.

Latest Forum Discussions
SPEAKEASY
Today 3:20am by SweetKittyCat5
COMPETITIONS
Yesterday 10:37pm by sweetdevil
POETRY
Yesterday 9:04pm by crimsin
SPEAKEASY
Yesterday 7:54pm by Ahavati
SPEAKEASY
Yesterday 7:40pm by Ahavati
COMPETITIONS
Yesterday 7:16pm by TheVORTEXRETURNS